Sa ika-apat na taon ng Nueva Ecija Agricultural Extension Workers Congress 2018 na ginanap sa Palayan City
itinuro sa mga Agricultural Extension Workers at mga magsasaka ng lalawigan ang kahalagahan ng organikong pagsasaka at mga makabagong pamamaraan sa pagpupunla,pagtatanim at pag aani gamit ang Kubota Combine Transplanter.
Ang mga AEW ay mga pangunahing manggagawa ng lalawigan na nagsisilbing tulay sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at nagpapalaganap ng mga makabagong impormasyon mula sa DA
Layunin ng isinagawang Agricultural Extension Workers Congress na magkaroon ng matatag na ugnayan sa usaping agrikultura at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Novo Ecijano.
Sa mensahe ni Dr. Dollie B. Prado, Municipal Health Officer ng Talugtog, ibinahagi nito na masusustansya ang pagkaing gulay at prutas dahil mayroon itong mga bitamina at mineral, habang Calcium Nitrate naman ang makukuha sa mani at gatas.
Bagaman hindi nakadalo si Governor Czarina “Cherry” Umali ay nagpahatid naman ito ng mensahe sa katauhan ni Provincial Social Welfare and Development Officer Elvie Ronquillo, kung saan pinuri nito ang mga magsasaka at ang mga mangaggawa ng agrikultura na patuloy na nagtataguyod ng masagana at magandang ani sa Nueva Ecija at sa mga karatig lalawigan sa bansa.
Ang naturang pagpupulong ay alinsunod sa inisyatibo ni Governor Cherry” Umali, bilang kanyang pagsuporta sa organic farming.