Nagsipagtapos na ang isang libo apat na raan at walupu’t limang estudyante na kabilang sa Batch 72-73 ng Nueva Ecija Provincial Manpower Training Center na ginanap sa Convention Center, Palayan City.
Kumuha ang mga gumraduate ng mga sumusunod na kursong bokasyunal sa Hair Dressing, Beauty Care, Massage Therapy , Dress Making , Tailoring, Computer Literacy,, Shielded Metal Arc Welding, Electronics Servicing at iba pa.
Nasa siyam na raan dalawampu’t anim na estudyante ang mula sa PMTC Cabanatuan City Main Branch, walumpu’t walo sa Bongabon Branch, dalawang daan animpu’t dalawa sa San Jose City Branch, isang daan dalawampu’t lima sa Guimba Branch at walumpu’t apat naman sa Gapan City Branch.
Naging panauhing tagapag-salita si Engineer Esteban Sumatra Jr. bilang kinatawan ni Provincial Director Alejandra N. De Jesus ng Technical Education and Skills Development Authority Nueva Ecija, at si Vice Mayor Doc Anthony Umali na kinatawan naman si Governor Czarina D. Umali.
Hinikayat ni Esteban ang mga nagsipagtapos na huwag ikahiya ang mga vocational courses, dahil maraming nakatapos ng ganitong kurso na naging matagumpay dahil sa sipag, tiyaga at determinasyon upang umunlad sa buhay.
Ayon naman kay Doc Anthony patuloy na sinusuportahan nina Governor Cherry Umali at Atty. Oyie Umali ang PMTC, katunayan si dating Governor Oyie Umali ay patuloy pa rin umanong nakikipag-ugnayan sa ibang bansa na nangangailangan ng mga worker nakakuha ng mga bokasyunal na kurso.