Pinangunahan ni Doc. Anthony Matias Umali ang pagbibigay parangal sa dalawampu’t apat na Munisipalidad at limang Lungsod ng Nueva Ecija sa ginanap na Provincial Children’s Congress 2018 sa Nueva Ecija Convention Center sa Palayan City kahapon November 14, 2018 .
Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Aliaga, Bongabon, Cabiao, Carranglan, Cuyapo, Gen. Llanera, Gen. Natividad, Gen. Tinio, Jaen, Laur, Licab, Lupao, Nampicuan, Pantabangan, Peñaranda, Quezon, Rizal, San Antonio, San Isidro, San Leonardo, Sta. Rosa, Sto. Domingo, Talavera, Zaragoza at mga lungsod ng Cabanatuan, Gapan, Muñoz, Palayan at San Jose.
Sa aming panayam kay Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez, sinabi nito na dahil aniya sa parangal ay mas lalo silang nagiging inspirado at pursigido sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan na sumesentro sa kapakanan ng mga kabataan bilang tatlong taon ng awardee ang Bayan ng Talavera.
Dagdag pa nito, From womb- to-tomb aniya ang kanilang programa, mula sa pagbibigay ng libreng gamot at vitamins, libreng edukasyon para sa day care children, milk at feeding program, nutrisyon ng mga bata at maging counseling para sa mga ina.
Ang paggagawad ng Seal of Child Friendly Local Governance ng Council for Welfare of children ay magkatuwang na inilunsad ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Oktubre walo taong 2014 . Ito ay base sa resulta ng mandatory Child Friendly Local Governance Audit (CFLGA) upang hikayatin ang lahat ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng “child-sensitive” at “child-friendly” na komunidad.
Matapos ang paggawad ay nagpamalas ng kani-kanilang talento ang mga batang mag-aaral ng Day care na may temang “Isulong Tamang Pag-aaruga para sa Lahat ng Bata”.
Ayon kay Elvira Ronquillo, Hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamamagitan aniya ng taun-taong Children’s Congress ay makikita ang improvement at development ng bawat bata sa ilalim ng Day care center service.
Sinabi pa nito na ito ay isang paraan upang maipakita ng mga bata ang kanilang talento at kakayahan sa harap ng madla at lalo higit madevelop ang pakikipag kapwa-tao o socialization aspect.
Hinikayat naman ni Ronquilo sa mga magulang ng mga bata na makiiisa para sa mas ikatatagumpay ng Daycare service program sa para sa ikauunlad at ikabubuti ng lalawigan.
Layunin nito ay upang makita ang paglilinang ng mga day care workers sa mga batang tinuturuan, mahubog sa tamang landas, makatulong at masiguro ang kaligtasan ng mga bata-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.