Paskong – Pasko na ang ambiance sa SM Mega Center At SM City Cabanatuan dahil sa mga palamuting naka display gaya ng mga Christmas tree, mga regalo , mga imahe ni Santa Clause, at Giant Cupcake inspired Christmas tree.

Sa ginanap na Christmas launched ng SM Mega Center noong Biyernes November 9, 2018, nagbigay ng saya ang mga mahuhusay na batang ballerina at ang College of Immaculate Concepcion Chorale na nagbahagi ng mga pamaskong awit sa mga mamimili at mall goers.

Habang inilantad naman ang Giant Cupcake inspired Christmas Tree sa SM Cabanatuan City noong Linggo November 11, 2018 na nagpagalak sa mga bata, empleyado at shoppers.

Ang nasabing mga programa ay dinaluhan ng mga piling panauhin kabilang sina Vice Chairman of Nueva Ecija Historical, Cultural and  Arts Commission Armando Giron , Department of Trade and Industry Provincial Director Brigida Pili at Provincial Tourism Officer Atty. Jomar San Pedro at mga Representative ng Nueva Ecija Police Provincial Office at Bureau of Fire Protection.

Ayon kay SM Regional Manager Ian Ezekiel Balao, hindi lang mga Christmas décors ang sentro ng atraksyon sa kanilang mga mall para sa nalalapit na kapaskuhan kundi maging ang kasiyahang dulot ng pagtulong sa mga batang kapos palad.

Inaanyayahan din ng management ng SM malls ang mga mamimili at mallgoers na maging bahagi ng taunang proyektong “Bears of Joy” kung saan sa halagang dalawang daang piso ay makakabili na ng dalawang bear; ang isa ay maiuuwi ng mamimili habang ang isa ay magiging donasyon at mapupunta sa mga batang nangangailangan.