Nasungkit ng pambato ng College of Nursing and Allied Medical Sciences o CONAMS ang kampeonato sa Dance Sport Competition ng Palarong Wesleyan 2018.

Nagpasiklaban sa paghataw ng cha – cha, rumba at jive ang anim na pares sa nasabing kompetisyon na ginanap noong Lunes, October 21, 2018 sa Wesleyan Gymnasium.

College of Business and Accountancy naman ang nakakuha ng 1st place sa pamamagitan ng masisiglang dance moves sa jive at 2nd place naman ang panlaban ng College of Hotel and Tourism Management na nagsabayan sa cha-cha.

Ayon sa pambato ng CONAMS hindi nila inaasahan ang kanilang pagkapanalo lalo at mahigpit ang naging labanan sa Dance Sport Competition.

Bukod sa nag-aapoy na Dance Sport ay inabangan din ng Wesleyanians ang pagrampa ng Ginoo at Binibining Palaro 2018.

Nangibabaw sa walong binibini ang pambato ng College of Hospitality and Tourism Management o CHTM na si Giezelle Domingo, 1st runner up si Fatima Madulid ng CBA o ang College of Business and Accountancy at 2nd runner up naman si Cheyenne Evangelista ng CONAMS.

Nagmula naman sa CAS o College of Arts and Sciences ang itinanghal na Ginoong Palaro 2018 na si John Kennydhe Fernandez, 1st runner up si Andrew Marrison Rocker ng CBA habang 2nd runner up naman ang ginoo ng CHTM na si Lemuel Dimaano.

Ginanap ang Dance Sport, Ginoo at Binibining Palaro 2018 kasabay ng Opening Ceremony ng Palarong Wesleyan 2018 na nagsimula noong Lunes, October 22 na magtatapos sa Biyernes, October 26, 2018.

Sa aming panayam sa presidente ng Supreme Student Council na si Kimberly Valino, sinabi nito na layunin ng palaro na pagkaisahin ang buong unibersidad at bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang galing hindi lamang sa akademikong aspeto kundi maging sa larangan ng isports.

Magtatapatan sa iba’t ibang larangan ng isports ang Wesleyanians kabilang na rito ang basketball, volleyball, tennis, badminton, chess at marami pang iba.

Mensahe naman ni Kimberly sa mga kapwa niya estudyante na makikilahok sa mga larong pampalakasan, sana ay maging isport bawat isa at i-enjoy lang nila ang kanilang intrams ngayong taon. –Ulat ni Jessa Dizon