Tinalakay sa isinagawang Seminar Workshop ng mga Barangay Officials sa lalawigan ang tamang proseso ng Drug Clearing Operation.
Itinuro ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Regional Office sa mga Barangay Officials ng lalawigan ng Nueva Ecija kung paano masasawata ang paggamit ng ilegal na droga sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Atty. Gil Pabilona, Regional Director, para hindi na dumami pa ang mga nakukulong dahil sa war on drugs dito sa komunidad kailangan ng sumali, makihalobilo at makisama sa mga gagawing hakbang.
Dagdag nito na ang layunin nito sa barangay ay para mabawasan ang market ng sindikato, mabawasan ang drug pusher, drug users, mairehab at magkaroon ng intervention at monitoring.
Ang naturang seminar workshop na ito ay inorganisa ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Czarina Umali, katuwang ang Liga ng mga Barangay, Pdea at Department of Interior and Local Government.
Sa panayam kay Former Director Abraham Pascual, layunin ng seminar workshop na mabura ang drug records sa bawat barangay sa probinsya.
Sa tala ng mga kapulisan sa 849 na Brgy sa Nueva Ecija tatlo lang dito ang cleared na Brgy, kaya nagkasundo na isakatuparan ang work shop dahil walang na cclear at di maganda estado ng rehiyon.
Samantala, may bahay pagbabago para sa mga drug dependent sa bawat munsipyo na hinahandle ng mga mayor at kapulisan.-Ulat ni Phia Sagat