Naging paksa ng ikalawang Joint Vice Mayors League of the Philippines at  Philippine Councilors League Joint Seminar 2018 ang kahalagahan ng pag sabay sa  pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa makabagong panahon pati na rin ang pag gabay sa mga konsehal at bise alkalde sa kanilang kinahaharap na mga suliranin sa kani-kanilang nasasakupan. Ito ay ginanap sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City na tumagal ng tatlong araw. Dumalo ang mga delegado mula  Aurora, Bulacan, Bataan, Zambales, Tarlac , Nueva Ecija Kasama ang siudad ng Angeles at Olongapo.

Ipinaliwanag ni  PCL Regional Chairman ng Region 3 Peter Marcus Matias  na ang seminar na ito ay inilaan upang mas lalo pang makakuha ng impormasyon mapalakas ang kaisipan para mas maging epektibong lingkod bayan. Pagpapalakas sa kaisipan at layunin ng Joint seminar ng VMLP at PCL joint Seminar 2018.

Kailangan ay sumabay ang Sanggunian sa pangangailangan ng makabagong panahon – Vice Mayor Anthony Umali

Ipinaalala ni Cabanatuan City Vice Mayor and Vice Mayor League National Executive at  Regional Chairman of Region  3   Anthony Umali na kailangan ay kayang sumabay ng Sanggunian sa pag tugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa makabagong panahon.  Isa sa mga Guest of Honor na si Former Senator Jinggoy Estrada ay hindi na rin bago sa mga problema na kinakaharap ng Sanggunian lalo na kung hindi sa magkamukhang partido nanggaling ang mga inihalal ng taong bayan.  Kaya naman nagbigay ng mensahe si Former Senator Jinggoy Estrada sa mga bise alkalde na nahaharap rin sa ganitong sitwasyon.

Iba’t ibang mga suliranin na kinakaharap  ng mga myembro ng Sanggunian, tinlakay

Ang tatlong araw na seminar na ito ay napuno ng ibat ibang mga aktibidad katulad na lamang sa ikalawang araw kung saan naging paksa an gang administrative investigation, power of oversight at codification na pinamahalaan ni Att. Jose Genaro Emetrio Moreno, Jr. Former Director, DILG Legal Service, Former Assistant Secretary for legal and Administration DILG. Na nag bigay din ng pagkakataon sa mga konsehal at bise alkalde na isangguni ang kanilang mga kinahaharap sa kanilang tungkulin sa Sanggunian.  Nagtapos nag 3 days seminar na ito ng March 23 2018 – Ulat ni  Amber Salazar