Walong ibat-ibang paaralan sa Nueva Ecija ang lumahok sa ginanap na High School Modern Ethnic Competition na inorganisa ng Sports and Youth Development Services ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Czarina Umali.
Kabilang dito ay ang Doña Juana chioco National High School, San Mariano, Sta. Rosa, Bongabon, Carranglan, San Ricardo, Science High at Daan Sarile High School.

Doña Juana Chioco National High School, San Mariano, Sta. Rosa, Bongabon, Carranglan, San Ricardo, Science High at Daan Sarile High School, Mga paaralang lumahok sa nasabing kompetisyon.
Bawat grupo ay nagpamalas ng kani-kanilang husay sa pagsayaw.
Pero sa huli ang paaralan ng bongabon ang nagkamit ng 1st Runner Up, tumanggap ng Trophy, Certificate at tumataginting na Limampung libong piso.
Nagpasalamat naman ang ilang estudyante sa kanilang coach, dahil raw dito ay natutunan nilang mag-split.
Masaya rin para sa tagumpay ng kaniyang mga estudyante ang school principal na si Ma’am Edith Malgapo.
Isa si Resty Fernandez, mula sa dagupan na kabilang sa naging judge, nahirapan aniya sila na pumili ng mananalo sa mga kalahok dahil lahat ay magagaling.
Naiuwi naman ng San Mariano high school ang 2nd place, kasama ang trophy, certificate at apatnapung libong piso.
3rd runner up ang camp tinio na nagkamit ng tatlumpung libong piso.
Tumanggap naman ang paaralan ng Sta. Rosa ng dalawampung libong piso at sampunglibong piso naman ang naiuwi ng Doña Juana High School.
Nasungkit rin ng paaralan ng Sta. Rosa ang Best in Costume. -ULAT NI MYRRH GUEVARRA