Patok sa mga magkasintahan, mag-babarkada, at mga pamilya ang fireworks display sa SM City Cabanatuan na ginanap sa Open Car Park noong Febraury 10 at 11 ganap na alas otso ng gabi.

Nagsilbing dating place ang nasabing lugar para sa nalalapit na araw ng mga puso o Valentines day.

Kagaya nalang ng magsing irog na si Kintred at Stephanie, na tatlong oras naghintay para magcelebrate ng kanilang Monthsary sa Fireworks Festival.

Ayon kay Kindred, last year ay na-inspire siya sa fireworks display kaya dinala niya dito ang babaeng kaniyang pinakamamahal para makasama habang pinapanuod ang mga ito.

Sina Kindred at Stepahanie ay kabilang lamang sa libu-libong Novo Ecijano na namangha habang pinapanuod ang fireworks exhibition ng bansang Germany, United Kingdom, United States of America, Japan, China, at Philippines na mas lalo pangkinabiliban  dahil sa pagsabay nito sa iba’t ibang tugtugin.

Ayon kay Carol Del Rosario Assistant Mall Manager ng sm , kaya sila nag kakaroon ng fireworks festival upang mapakita sa mga novo ecijano ang ibat-ibang talento ng ibang bansa pagdating sa fireworks.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng novo ecijanong patuloy na tumatangkili sa Fireworks Festival ng SM City Cabanatuan taun- taon.

Samantala, tampok din sa mga manunuod ang iba’t-ibang kakanin, street foods at iba pa.-Ulat ni Phia Sagat