Naging makulay at napuno ng sayaw ng pasasalamat ang pagdiriwang sa Cosecha Para el Señor sa St. Nicholas de Tolentine  Church sa Cabanatuan City dahil sa aprtisipasyon ng mga kabataan mula sa  23 barangay sa Cabanatuan na partisipante ng naturang pagdiriwang.

COSECHA PARA EL SEÑOR,  PAG PAPASALAMAT SA MASAGANANG ANI SA CABANATUAN CITY

Ang Cosecha para el Señor ay ang pagdiriwang para kay Señor Santo Niño na dinadaluhan ng mga kristiyano sa lungsod ng Cabanatuan dala ang kanilang mga Santo mula sa kanilang mga tahanan at Simbahan sa kanilang mga Barangay.  Ito ay pasasalamat sa masaganang ani at pasasalamat na rin sa paglayo ng Panginoon ng mga kalamidad sa lalawigan.

Kilala ang Cebu sa Sinulog festival iba pang lugar dahil sa kanilang malaking pagdiriwang ng pagbibigay pugay sa Panginoon at nais din ng mga deboto na makilala ang lungsod ng Cabanatuan sa  Cosecha  Para El Señor

12 POON, IPINARADA SA PRUSISYON

Ipinrusisyon din ang labing dalawang mga Poon na sinimulan ni :

Sto. Nino El Principe de Paz

Sto Niño Amorsolo del Mundo

Sto Niño de Ternate

Sto Nino del Carmen

Sto Niño del Santisimo Rosario de Licab

Sto Nino del Buena Suerte

Sto Niño El Peregrino

Sto Niño El Divino Berbo

Sto Niño Conquistador Del Mundo

Sto Niño De Esperanza

San Jose Esposo ng Mahal na Birheng Maria

Mahal na Birheng Maria

Señor Santo Niño

Inaasahan na sa susunod na taon ay mas lalaking muli ang dami ng mga cabanatueño na makikiisa sa pagdiriwang ng Cosecha para el Señor –  Ulat ni Amber Salazar