Tinalakay sa Nutrition Seminar ang kahalagahan ng papel na ginagampanan nang pagpapanatili ng wastong nutrisyon sa katawan ng mga taong may sakit na kanser, habang dumaraan sa proseso ng paggagamot ng Chemotherapy at Radiation Therapy, na ginanap sa Premiere Medical Center, Cabanatuan City.
Ang Chemotherapy at Radiation Therapy ang pangkaraniwang lunas sa sakit na kanser. Kaakibat nito, ay kadalasang nakararanas ang pasyente ng pagkahilo, pagsusuka, hirap sa pagdumi, diarrhea, may sugat o tuyong labi at lalamunan at kawalan ng gana sa pagkain.

DR. DIVINA CRISTY REDONDO, HEAD NG MEDICAL NUTRITION AND WEIGHT MANAGEMENT CENTER NG PREMIERE MEDICAL CENTER, HABANG NAGBIBIGAY NG NUTRITION TIPS SA MGA PASYENTENG MAY KANSER.
Ayon kay Dr. Divina Cristy Redondo, Head ng Medical Nutrition and Weight Management Center sa Premiere Medical Center, ang kawalan ng gana sa pagkain na maaring maging sanhi ng kakulangan sa nutrisyon at sa katagalan ay pagbawas ng timbang ang pinakaiiwasan nilang mangyari sa mga pasyente.
May mga ilang bagay na dapat tandaan upang mapabuti ang kalagayan ng taong may ganitong kondisyon:
- Magpahinga hangga’t maari
- Uminom ng mga inuming may calories tulad ng non-fat o low fat milk at 100 percent fruit juice
- Uminom ng anti-emetic na gamot para maibsan ang pagsusuka
- Kumain ng tama sa oras upang hindi mahilo
- Upang maiwasan ang constipation, kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber
- Uminom ng gamot para makontrol ang diarrhea
- upang maiwasan ang pagkahilo, pagsusuka, at diarrhea, iwasang uminom habang kumakain pa
- Nakadaragdag ng timbang ang
- Emotional eating
- Kumain ng madalas ngunit kakaunti o sapat na pagkain lalo na kapag gutom
- Isaalang-alang ang mga gusto o paboritong pagkain ng taong walang gana
- Maiibsan ang stress ng pagdarasal, pagbalik tanaw, pakikipagusap, at paglayo o pag-iwas sa mga bagay na negatibo

“NUTRIYANG”, ISPESYAL NA PAGKAIN PARA SA MGA MAY ISPESYAL NA KARAMDAMAN.
Bukod sa Holistic Treatment na ibinibigay ng Premiere Medical Center sa mga may sakit na kanser ay isa sa pinakabagong programa ngayon ng institusyon ay ang pagbibigay ng mga espesyal na pagkain para sa mga may espesyal na kondisyon, na tinatawag nilang “NUTRIYANG”.
Pinro-promote din nila ang pagkain ng mga organikong prutas at gulay, para sa mas ligtas at masustansiyang pagkain. Bukod pa, sa pag-iwas sa mga hatid na sakit at komplikasyon na hatid ng mga pagkaing may kemikal. Ulat ni Danira Gabriel
[youtube=http://youtu.be/psupI2VbmhU]