Naniniwala ang banko sentral ng pilipinas na masasanay din ang publiko sa inilabas na bagong disenyo ng limang pisong barya sa pagtagal ng paggamit dito.

Ayon kay acting deputy director meru barbero ng bsp-cabanatuan branch, magiging pamilyar sa bagong 5 peso coin ang publiko kung gagamitin ito.

Bunsod ng mga lumabas na balita patungkol sa umano’y pagkalito sa itsura ng bagong disenyong limang piso sa existing na 1 peso coin ay binigyang diin ng bsp ang pagkakaiba ng dalawa.

5 peso New Generation Currency coin (kaliwa) at existing 1 peso coin (kanan)

Ang 5-peso ngc o new generation currency ay mas mabigat, mas makapal at mas malaki ng bahagya kumpara sa 1 peso coin.

Maliban pa dito, ang gilid ng 5 peso ngc coin ay makinis habang ang 1 peso coin ay may ridges o may maliliit na guhit sa gilid.

Kung sa dating limang piso ay mukha ng bayaning si emilio aguinaldo ang makikita, sa bagong 5 peso coin ay mukha na ni andres bonifacio ang nakaukit dito.

Sinabi din ni barbero na ang 5 peso coin na ito ay nauna lamang inilabas ng bsp bilang paggunita sa 120th death anniversary ni gat. Andres bonifacio at sa darating na january 19, 2018 ang paglalabas naman ng iba pang new generation currency coins tulad ng piso, sampung piso, 5 centavos, at 25 centavos.

Samantala, ang mga old banknote series o lumang disenyo naman ng mga perang inilabas noong taong 1985 ay hindi na maaaring gamitin ng publiko o ipapalit sa banko.—Ulat ni Jovelyn Astrero