Vice Mayor Benjamin Gamit Jr. assume the Office of the Municipal Mayor in Talugtog.

Vice Mayor Benjamin Gamit Jr. assume the Office of the Municipal Mayor in Talugtog.

Bumaba na sa Office of the Municipal Mayor ang suspendidong Punong Bayan ng Talugtog na si Mayor Reynaldo Cachuela na pinatawan ng Office of the Ombudsman ng 3 months preventive suspension order para sa mga kasong dishonesty, abuse of authority, at grave misconduct.

Pagbaba ni Mayor Cachuela, umakyat naman sa opisina si Vice Mayor Benjamin Gamit Jr. na pansamantalang itinalaga ng Department of Interior and Local Government bilang alkalde ng bayan.

Ayon kay Acting Mayor Gamit, kusang loob na nilisan ni Cachuela ang tanggapan noong August 11, 2015.

Pag-upo ni Gamit bilang Mayor, inukopa naman ni Konsehal Alberto Estillore ang kanyang nabakanteng pwesto bilang Vice Mayor.

Acting Mayor Benjamin Gamit Jr. and acting Vice Mayor Alberto Estillore.

Acting Mayor Benjamin Gamit Jr. and acting Vice Mayor Alberto Estillore.

Pang-anim sa mga miyembro ng Konseho si Estillore, ngunit dahil kasama ni Mayor Cachuela na sinuspendi ang limang Sangguniang Bayan members na sina Flora Cinense, Maximo Ancheta, Maximo Ulzano, Philip Bilgera, at Leo Monta ay siya ang pansamantalang tumayong Pangalawang Punong Bayan.

Paliwanag ni acting Vice Mayor Estillore bagama’t apat na lamang sila sa SB, kasama ang SB Secretary ay nagagampanan naman nila ang kanilang tungkulin.

Inaasahang hanggang October 25, 2015 mananatili sa kanilang kasalukuyang posisyon sina Gamit at Estillore, sa panahon ng kanilang panunungkulan ay makaaasa umano ang mamamayan ng Talugtog na maglilingkod sila ng tapat sa kanilang bayan. –ulat ni Clariza de Guzman