“Think before you click.”
Ito ang panawagan ni Police 3 Regional Director Chief Superintendent Aaron Aquino sa publiko na aktibo sa paggamit ng Social Media.
Aniya, maging mapanuri at matalino sa pagbabahagi ng impormasyon sa internet upang hindi mabiktima at maging kasangkapan sa pagpapakalat ng Fake News.
Para malaman kung peke ang balita, narito ang ilang tips.
HOW TO SPOT FAKE NEWS?
- Investigate the source
- Read beyond
- Check the author
- Inspect the dates
- Do some research/Ask the experts
Dagdag pa ni Aquino, hindi nakatutulong sa otoridad ang pag shashare ng mga maling impormasyon na ipinapakalat ng mga tao na walang ibang hangarin kundi lalong magpagulo ng kasalukuyang sitwasyon ng gobyerno.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pinanggagalingan ng mga Fake News. –Ulat ni Danira Gabriel