Pinagtibay na sa magkakahiwalay na Regular Session ang Supplemental Budget ng Apat na Pung barangay sa lungsod ng Cabanatuan.

Kasabay ng ratipikasyon ay muling nagpaalala ang Sanggunian na magparehistro na ang mga barangay sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).

Ang PhilGEPS ay isang online transaction, na kung saan ang mga ahensiya ng gobyerno, suppliers at contractors ay obligadong magparehistro online.

Dahil dito, maaring masilip ng gobyerno ang pondong ginagastos ng mga barangay sa bawat proyektong kanilang pinapasok.

Sa maling paggamit, ang audit log ng PhilGEPS ay maaari ding gamitin laban sa kanila.

Sinugundahan naman ito ni Vice Mayor Anthony Umali, paalala ng Bise Alkalde, bagama’t aprubado na ng Sanggunian ang kanilang Supplemental Budget ay hindi ito nangangahulugan na hindi na sila uusisain ng pamahalaan sa paggastos ng kanilang pondo.

Samantala, ang mga barangay na walang dumating na representante ay maitatala sa susunod na session. –Ulat ni Danira Gabriel

https://youtu.be/e9VVHRWFkmA