Inilunsad ng Nueva Ecija Police Provincial Office  ang kauna-unahang reformist basketball competition na nilahukan ng bawat lungsod at municipalidad sa Nueva Ecija.

Sinuportahan  ito ni Governor Cherry Domingo-Umali through the Provicial Sports  and Youth Development Council at mga Municipal and City Mayors bilang suporta sa mga reformist na nagnanais mag bagong buhay.

Lumahok ang mga reformists sa District 3 mula sa mga bayan ng Bongabon, General Natividad, Laur, Gabaldon, Sta Rosa, Palayan City at Cabanatuan City.

BASKETBALL COMPETITION, NAGLALAYONG TULUNGAN ANG MGA REFORMIST NA MAGKAROON NG KAPAKI-PAKINABANG NA LIBANGAN.

Sabayang inilunsad sa apat na Distrito  ng Nueva Ecija ang Basketball Competition bilang parte ng pagtulong sa mga reformist na matuon ang kanilang pansin sa sports katulad ng basketball.Ang bawat kasapi sa liga ay mga reformist na kasalukuyan o naka graduate na sa Bahay Pag-Asa Reformation Program.

Ang mananalo sa bawat distrito ay mag haharap harap para sa finals.  Ang bawat laban para sa District 3 ay gaganapin sa NEPPO Gym. Ani ni Nueva Ecija Police Director Antonio Yarra ito ay daan upang bumalik sa mas kapaki-pakinabang na libangan ang mag reformist na nawala ng sila ay nalulong sa droga.

Ayon naman kay Mike, hindi tunay na pangalan,  nakakatulong ang Basketball Competition na ito upang maiwaksi sa kanilang isipan ang droga at malibang na rin kasama ng kanilang mga kasamahang reformist na nagsisikap na mag bagong buhay.

Ang mag wawaging koponan ay magkatatanggap ng tropeo at cash prize. – Ulat ni  Amber Salazar