Bagong Gymnasium ng Gapan City South Central School na handog ng Provincial Government.

Sabay na isinagawa ang pagpapasinaya sa bagong Gymnasium  at Serbisyo para sa Bata Kitchen On Wheels ng Provincial Government sa Gapan City South Central School.

2,321, Estudyante ng Gapan City South Central School  naserbisyuhan ng Kitchen on Wheels ng Provincial Government

Umaabot sa 2,321 ang estudyante sa Gapan City South Central School mula Kindergarten hanggang Grade 6 kaya naman hindi na sila mag kasya sa kanilang lumang gymnasium. Ang pagkakaroon ng bagong gym ay makatutulong sa mga estudyante para mas komportable nilang magawa ang kanilang mga activities katulad ng Physical Education, Flag Raising Ceremony at iba’t ibang programa ng paaralan.

Serbisyo para sa bata Kitchen On Wheels, Lumilibot sa mga pampublikong paaralan sa Nueva Ecija

Lilibot pa rin ang Serbisyo para sa bata Kitchen on Wheels sa buong Nueva Ecija na parte ng balik eskwela serbisyo para sa kabataan sa mga pampublikong paaralan.

Ang kawalan ng maipabaong pagkain sa mga kabataan ang isa sa problema ng mga magulang dahil na rin sa kahirapan. Kaya naman target ng Pamahalaang Panlalawigan at ng DepEd na masustinehan ang mga kabataan ng sapat na nutrisyon sa pamamagitan ng feeding programs. Ani ni School Superintendent Gapan City Silverina De Jesus naka aapekto ang hindi pagkain ng tama sa  performance ng mga bata sa eskwelahan.

Ang mga estudyante sa Gapan City South central School ay umaabot sa 2,231 mula Kindergarten hanggang Grade 6

Ang pagbabaon ng pagkain para sa tanghalian ng mga bata ay makatutulong para masiguro na nakaka kain ito ng tama. Ipinagbawal na rin ang mga soft drinks o soda sa mga school canteen at mga fruit juice, masustansyang inumin at mineral water na lamang ang mabibili sa mga school canteens. – Ulat ni Amber Salazar