Ipinakilala ng 21 bayan sa Nueva Ecija ang kanilang mga pambato sa larangan ng basketball sa opisyal na pag bubukas ng 2nd Governor’s Nueva Ecija Inter-Town Basketball Tournament na ginanap sa Quezon, Nueva Ecija. Kitang kita rin hindi lamang pagkakaisa ng mga kalahok, kundi pati mga lingkod bayan na dumalo rin sa kauna-unahang Governor’s Cup sa termino ni Governor Czarina “Cherry” Umali.

2nd Nueva Ecija Governor’s Cup Inter-Town Basketball Tournament 2017, nilahukan ng 21 bayan
Nagpasalamat naman si Vice Mayor Dean Joson dahil napaunlakan na sa Quezon ganapin ang pagpapasinaya sa Governor’s Cup Inter-Town basketball tournament

Pagkakaisa at respeto, Naipapakita dahil sa pagdaraos ng Governors Cup
Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali ng Cabanatuan City respeto at pagkakaisa ng bawat bayan yan aniya ang ilan sa mga dahilan kung bakit idinadaos ang Governor’s Cup sa lalawigan ng Nueva Ecija.

110,000 Pesos, i-uuwi ng magkakampyong Basketball team
Mas lalong ginanahan ang mga kalahok ng ipahayag ni Governor Cherry na mas lalakihan pa nito ang pa-premyo para sa Basketball Tournament.

3rd Placer Si Binibining Science City Of Muñoz

2nd Runner up si Binibining Quezon.

Angelica Santos ng Talavera, tinanghal na Governors Cup Miss Inter-Town Basketball Tournament 2017
Bago simulan ang laro ay rumampa muna ang mga muse ng bawat bayan. Kitang kita ang suporta ng mga players sa mga kalahok na dilag., tinanghal na Governor’s Cup Miss Inter-Town Basketball tournament 2017 si Binibining Angelica Santos ng Talavera.
Sa huli ay namayagpag ang mga muse mula sa Science City Of Muñoz, Quezon at ang tinanghal na Governor’s Cup Miss Inter-Town Basketball Tournament 2017 ay si Angelica Santos ng Talavera. – Ulat ni Amber Salazar