Muli umanong patutunayan ng Barangay Buliran na defending champion na kanilang maiuuwi muli ang kampeonato para sa 2ND Inter Barangay Basketball League 2017.
Sa kanilang nagdaang laban noong may 04 sa Game1 finals ay dinumina nila ang Barangay Sumacab Este.

Pasok na sa Quarter Finals ng Inter–Barangay Basketball League ang defending champion ang Barangay Buliran.
Sa 1st Quarter gitgitan na ang naging laban at dikit lamang ang score ng magkatunggaling grupo.
Nagpalitan ang dalawang koponan ng kaliwat kanang pagshoot ng bola sa ring at nagtapos ang First Quarter sa score na 19-18, pabor sa Barangay Buliran.
Pagdating sa 2nd quarter ay tumaas sa limang puntos ang lamang ng Buliran sa katunggaling grupo sa score na 46-39.
Sa 3rd Quarter naungusan ng labing tatlong puntos ng Barangay Buliran ang Sumacab Este sa score na 69-56.
Pagdating ng 4th Quarter ay umarangkada pa ng puntos ang Buliran at hindi na hinayaang makahabol pa ang Barangay Sumacab este, at nagtapos ang laro sa final score na 91-77.
Ayon kay Danhill Dax Umali coach ng Barangay Buliran, masusing pag-eensayo at magandang samahan ang naging susi ng kanilang grupo upang muli silang makapasok sa finals ng naturang palaro. -Ulat ni Phia Sagat