Inihalal bilang bagong National Executive Vice President ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) si Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali noong Feb. 17, 2017 na ginanap sa Davao City.
Inihalal bilang bagong National Executive Vice President ng Vice Mayors League of the Philippines si Cabanatuan City Vice Mayor Anthony uUmali noong Feb. 17, 2017 na ginanap sa Davao City.
Sa buong Region 3, nag-i-isa si VM Umali na naiupo sa nasyunal na posisyon.
Ayon kay VM Umali, ang kaniyang pagkapanalo ay ibabalik niya sa mga kapwa Bise Alkalde.
Dagdag ni Umali, malaking kapakinabangan ito sa probinsiya. Siniguro nito na ang kaniyang mga kapwa Bise Alkalde ang isa sa mauunang makatatanggap ng mga programa.
Nanalo naman bilang National President si VM Donnabel Joy Mejia ng Davao Del Sur, National Sec.-General si Janrey Gavina ng Davao Del Norte, National Treasurer si Jose Antonio Veloso ng Bohol, National Auditor si Roberto Agcaoili ng Isabela, National VP for Administration si Randy Ruel Begtang ng Apayao, National VP for Operation si Luis Macario Asistio ng NCR, National VP for Finance si Jose Aquino III ng Agusan Del Norte, National VP for Luzon si Ricardo Cruz Jr ng NCR, National VP for Visayas si Emerito Calderon Jr. ng Cebu, National VP for Mindanao si Vivien Yap ng Sarangani, National Dep. Sec.-General for Luzon si Sofia Velasco ng Rizal, National Dep. Sec.-General for Visayas si Pedro Fustanes Jr ng Southern Leyte, National Dep. Sec.-General for Mindanao si Edemar Alota ng Misamis Occidental, National PRO for Luzon si Julio Tingzon Jr. ng Albay, National PRO for Visayas si Art Sherwin Gabon ng Samar at National PRO for Mindanao si Jemar Vera Cruz ng Lanao Del Norte.
Samantala, ikinalungkot naman ni National Executive Vice President ang hindi pagtuloy ni Davao City VM Paolo Duterte sa pagtakbo bilang pangkalahatang pangulo ng liga.
Gayunpaman, aniya ay buo ang kaniyang suporta sa National President ng VMLP.
Sa huli, lubos ang naging pasasalamat ng Bise Alkalde sa mga taong sumuporta sa kaniyang kandidatura. –ULAT NI DANIRA GABRIEL