Nilooban ng mga hindi nakilalang suspek ang Talavera Central School sa barangay Maestrang Kikay, bayan ng Talavera.

Walang nakuhang footages sa CCTV sa nangyaring pagnanakaw sa Talavera Central School.

Walang nakuhang footages sa CCTV sa nangyaring pagnanakaw sa Talavera Central School.

   Base sa imbestigasyon, tinatayang sa pagitan ng 10:00 ng gabi at alas syete ng umaga kinabukasan nang pasukin ng mga magnanakaw ang ng eskwelahan sa pamamagitan ng pagwasak sa grills ng gusali.

   Natangay mula sa Principal’s Office ang isang sound mixer worth Php7, 000.00. Pagkatapos ay sinira ng mga ito ang padlock ng katabing Information Communications Technology Room at itinakas ang isang Acer Laptop at dalawang CPU server na nagkakahalaga ng Php134, 000.00.

   Mayroong mga CCTV camera ang paaralan ngunit walang nakuhang footages ng mga suspek. Wala ring nagawa ang mga naka-assign na security personnel nang maganap ang insidente.

   Cabiao, patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Purok 6 ng barangay San Carlos sugatan naman ang dalawang lalaking napadaan lang sa lugar.

2 lalaking napadaan lang ang nadamay sa pamamaril sa brgy. San Carlos, Cabiao.

2 lalaking napadaan lang ang nadamay sa pamamaril sa brgy. San Carlos, Cabiao.

   Kinilala ng kanyang kamag-anak ang biktimang si Jefferson Sebastian y de Lara, 34-anyos, may live in partner, at residente ng Sta. Rita, Cabiao.

   Habang ang dalawang nadamay sa pamamaril ay nakilalang sina Rico Pineda y Santiago, 45, naninirahan sa San Carlos; at Rafael Legaspi y Baug, residente ng Norte, Cabiao.

   Batay sa ulat, 6:00 ng umaga, sakay ng minamanehong motorsiklo ang biktima papuntang San Carlos ng naturang bayan nang buntutan at paputukan ng mga suspek na magka-angkas sa isang motor.

   Matapos maisagawa ang krimen, mabilis na bumwelta ang mga salarin patungong direksyon ng Sta. Rita, Cabiao.

   Narekober ng SOCO sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong baril. – ulat ni Clariza de Guzman.