Nagsagawa ng follow-up assistance sa mga nasalanta ng bagyong Karen at Lawin sa bayan ng Gabaldon ang Alay Bayan Luzon Incorporated sa tulong ng Advocates for Community Health Incorporated at United Private Lying-in Practitioners and Proprieties.

Matiwasay na naidaos ng Alay Bayan Luzon Inc. ang libreng Gamutang Bayan sa brgy. Bagting, at Calabasa, Gabaldon.

Matiwasay na naidaos ng Alay Bayan Luzon Inc. ang libreng Gamutang Bayan sa brgy. Bagting, at Calabasa, Gabaldon.

   Mahigit tatlong daang residente ng Sitio Bateria sa barangay Bagting, at Calabasa ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal, konsultasyon, at libreng gamot.

   Ayon kay Lorena Villareal, Executive Director ng ABI, umabot sa dalawampong doktor mula sa Cavite ang nakiisa sa inilunsad na medical mission, habang nagmula naman sa kanilang solicitation at donations ang mga ipinamahaging gamot.

Naglaan ng police assistance ang lokal na pamahalaan ng Gabaldon upang matiyak ang kaligtasan ng mga volunteers mula sa ABI, Advocates for Community Health Inc., at UPLPP na naglunsad ng medical mission.

Naglaan ng police assistance ang lokal na pamahalaan ng Gabaldon upang matiyak ang kaligtasan ng mga volunteers mula sa ABI, Advocates for Community Health Inc., at UPLPP na naglunsad ng medical mission.

   Ang Alay Bayan Luzon Incorporated ay isang non-profit institution na naghahatid ng community-based disaster management program sa Central Luzon at mga kalapit na probinsiya sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga private organizations, dioceses, at local government units.Isa ang pamahalaang lokal ng Gabaldon sa matagal nang katuwang ng ABI.

   Sa panayam kay Municipal Administrator Crucito dela Cruz, inihayag nito na naglaan sila ng police assistance sa pamumuno ni Mayor Rolando Bue para sa isinagawang gamutan upang matiyak ang seguridad ng mga volunteers.

   May nakaamba raw kasing panganib sa mga staff ng ABI na pinagbibintangan umanong mga komunista ng mga militar dahil sa malinaw nitong adbokasiya sa pagprotekta sa kalikasan, at pagtatanggol sa karapatan ng mga katutubo,  magsasaka, at mamamayan mula pa noong panahon ng kanilang pinaslang na dating pinuno na si Willem Geertman.- ulat ni Clariza de Guzman