Isinagawa ng PCEDO ang Pre-membership Seminar on Cooperative o (PMES) sa Waltermart, Cabanatuan City.

Pre-Membership Seminar on Cooperative o (PMES) isinagawa sa Waltermart, Cabanatuan City.
Ayon kay Senior Cooperative Development Specialist and Organization and Training Division Maribeth De Jesus, Ito ay dinaluhan ng one thousand one hundred fifty tree na katao at marami pa aniya ang hindi pa naka pirma sa attendance sheet ng mga dumalo.
Sa pahayag naman ng Project Development Officer and Project Development Evaluation Division na si Florante Serrano, ang benipisyong matatanggap ng mga kooperatiba kapag nakapag rehistro rito ay nagkakaroon ng juritical personality o nagkakaroon ng karapatang makipag transaksyon sa national at lokal na ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay tatay Amboy Tupilio ng Brgy, Capintalan ng Caranglan Nueva Ecija. Ninais niyang mapabilang sa kooperatiba sapagkat nais makaaahon sa kahirapan na ngayon ay nagtatanim lamang raw sa kaniyang gulayan.

Ninais ni Tatay Amboy Tupilio ng Brgy. Capintalan, Carranglan na mapabilang sa kooperatiba dahil sa hirap ng buhay.
Ang PMES ay inorganisa ng Provincial Cooperative Entrepreneurship and Development Office and Provincial Government para sa mga nagnanais marehistro para sa kanilang itatayong kooperatiba.
Habol pa ni Florante Serrano Project Development Officer, ang pasasalamat sa gobernadora Czarina Domingo Umali sa patuloy na paghanap ng solusyon lalo na sa problema ng kahirapan at kung paano mapapagaan ang pamumuhay.
Pinasalamatan ni Project Development Officer, Florante Serrano si Gov. Czarina Domungo Umali sa patuloy na paghanap ng solusyon sa hahirapan. -Ulat ni Myrrh Guevarra