Bumisita si Presidential Aspirant Senator Grace Poe kasama ang kanyang running mate na si Senator Francis Escudero sa lalawigan ng Nueva Ecija, bilang bahagi ng kanilang kampanya sa nalalapit na 2016 Election.

     Sa harap ng mahigit apat na libong Novo Ecijano na dumagsa sa Freedom Park, Cabanatuan City.

     Ipinangako nina Poe at Escudero, na ang sektor ng agrikultura sa probinsiya ang kanilang uunahin, kung sakaling sila ang mahalal sa darating na eleksyon. Kabilang na ang pagpapautang ng puhunan at libreng irigasyon sa mga magsasaka.

     Sentro din ng kanilang programa ang mga kabataan, sa paraan ng pagbibigay ng libreng pananghalian sa mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong eskwelahan at libreng edukasyon sa mga estudyante ng kolehiyo.

     Dagdag ni Poe, hindi dapat sila ihalintulad sa mga politikong nangako ngunit napako lamang matapos iluklok sa pwesto.

     Isa ang probinsiya sa pinakamaraming bilang ng mga botante sa bansa. Pumapalo ngayon sa mahigit kumulang 1.3 million registered voters ang naitala sa darating na May 2016 Election.

TEAM GALING AT PUSO! (L-R Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, Actor Edu Manzano, Lawyer Lorna Kapunan, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Former Sen. Migz Zubiri, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Sen. Grace Poe, Sen. Francis Escudero, ACT-CIS Rep. Samuel Pagdilao, Pasig Rep. Roman Romulo, OFW Rights Advocate Susan Ople and Former Sen. Richard Gordon.)

TEAM GALING AT PUSO! (L-R Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, Actor Edu Manzano, Lawyer Lorna Kapunan, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Former Sen. Migz Zubiri, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Sen. Grace Poe, Sen. Francis Escudero, ACT-CIS Rep. Samuel Pagdilao, Pasig Rep. Roman Romulo, OFW Rights Advocate Susan Ople and Former Sen. Richard Gordon.)

     Kasama din nila ang mga Senatorial Aspirants na kabilang sa kanilang partidong GP o Team Galing at Puso, na sina ACT-CIS Rep. Samuel Pagdilao, Aktor na si Edu Manzano, Pasig Rep. Roman Romulo, Sen. Tito Sotto, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Lawyer Lorna Kapunan, Former Sen. Migz Zubiri, Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, OFW Rights Advocate Susan Ople at Former Sen. Richard Gordon.

     Mainit din ang pagsalubong ng mga novo ecijano, sa asawa ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista na sumama na rin sa kauna-unahang pagkakataon upang ipangampanya ang kanyang asawa. -Ulat ni Danira Gabriel