Bagyong Lando

Bagyong Lando

Malayo pa lamang ang Bagyong Lando ay pinaghandaan na ito ng lalawigan ng Nueva Ecija. Expected na ang tatamaan nito ay ang Central at Northern Luzon sa pagpasok ng October 17 o 18 at dahil sa mabagal na paggalaw ng bagyo sa Dagat Pasipiko ay naging dahilan ito upang mas lalong mag-ipon ng lakas ang Bagyong Lando.

Inasahan noong una na darating ang bagyo ng Linggo ng umaga o  mula alas 8 n hanggang alas 9 ng umaga ngunit naging mas maaga ang pagdating nito dahil sa pagpasok pa lamang  ng araw ng Linggo 1:30 ng madaling araw ay ibinalita na ng PAGASA na nag landfall na ito sa Casiguran, Aurora.

Umabot sa dalawang metro ang taas ng storm surge sa Aurora at kalapit lugar nito.  Nagkaroon ng rescue mission sa Aurora, Bulacan, Pampanga, at dito sa Nueva Ecija. Sa paglapit ng bagyo, unang naramdaman ang hangin nito at kahit hindi pa nag la-land fall ay umakyat na sa signal no 3 ang lalawigan ng Nueva Ecija.

Governor Oyie Umali, magdamag na nagbantay kasama ng PDRRMC, upang ma-supervise ang rescue mission

Governor Oyie Umali, magdamag na nagbantay kasama ng PDRRMC, upang ma-supervise ang rescue mission

Naka-stand by naman ang mga kawani ng PDRRMC kung saan nakapaloob dito ang Department of Interior and Local Government (DILG), Provincial Health Office (PHO), Philipine Army , Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO) , Bureau of Fire (BOF) at iba pang mga kawani ng pamahalaan na may kinalaman sa pag re-rescue sa mga nasalanta sa Old Capitol  Auditorium kasama ang ama ng lalawigan Governor Oyie Umali na siyang Chairman ng Council.   Nagsilbing Command Center ang Auditorium at Evacuation Center ng mga nailikas na mamamayan ng Cabanatuan City.

Mga lumikas na mamamayan ng Cabanatuan City sa kasagsagan ng bagyong Lando

Mga lumikas na mamamayan ng Cabanatuan City sa kasagsagan ng bagyong Lando

Sunod-sunod ang mga panawagan ng tulong ng mabilis tumaas ang tubig na galing sa kabundukan ng Aurora, Carranglan at Pantabangan na dala ng Bagyong Lando. Naging dahilan ito ng mabilis na pagbaha sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Patuloy ang pagpapadala ng tulong mula madaling araw ng linggo hanggang lunes ng umaga

Patuloy ang pagpapadala ng tulong mula madaling araw ng linggo hanggang lunes ng umaga

Pamimigay ng Relief Goods para sa mga nasalanta ng Bagyo sa Cabanatuan City

Pamimigay ng Relief Goods para sa mga nasalanta ng Bagyo sa Cabanatuan City

Ayon sa datos ng PDRRMO   (as of Oct 20 2015 01:00 pm), inabot ng 21 Barangay  ang naapektuhan na mayroong   5,134 pamilya o umaabot sa 17, 120 katao ang nasalanta sa District 1. 7 Baranggay na may  281 Pamilya o 1,379 katao ang naapektuhan sa District 2 habang 107 Barangay  na mayroong 26,659 Pamilya o humigit 11,152 katao ang nasalanta sa District 3 at 61 Barangay naman  na mayroong 37,660 Pamilya o humigit 172,419 katao ang naapektuhan sa District 4. Sa apat na distrito ay umabot ng 304,070 katao ang naapektuhan ng Bagyong Lando.

Mga pananim na nalubog ng baha sa Palayan City

Mga pananim na nalubog ng baha sa Palayan City

Habang sa partial unofficial data naman mula sa Kagawaran ng Agrikultura as of October 20 2015 11 am  ay may 30% ang nakagapas bago tuluyang humagupit ang Bagyong Lando. Ngunit ang 70 % dito ay hindi na nakaligtas pa at pinadapa ng bagyo bago pa man maani. Umabot sa 134,674.49 ektarya ang naapektuhan na may 235 991.80 net per ton production loss  o  nagkakahalaga ng 3,305,839,495.17  – Ulat ni Amber Salazar