Opisyal ng sinimulan ang bakbakan ng mga koponanan para sa Ika apat na taon ng NECSL o Nueva Ecija Collegiate Sports League, na ginanap sa Araullio Gymnasium.

Sa ibinigay na hudyat ni dating board member ng Ikatlong distrito, Doc Anthony Umali, ay opisyal ng binuksan ang pinakaabangan na liga ng mga kolehiyo at unibersidad sa lalawigan.Pagpasok pa lamang ng mga manlalaro ay nakakabinging hiyawan na ang sumalubong sa labing isang team na kinabibilangan ng WUP Riders, GSC Crusaders, CRT Bluefox, CIC Kings, GJC Generals, MVGFC Ambassadors, CLSU Green Cobra, NEDCI Water Buffalos, ELJ Hawks, MIDWAY Marshalls at LA Fortuna Spartans.

Sa ibinigay na hudyat ni dating board member ng Ikatlong distrito, Doc Anthony Umali, ay opisyal ng binuksan ang pinakaabangan na liga ng mga kolehiyo at unibersidad sa lalawigan.

Mahigit sa Isang libong estudyante ang dumalo, para suportahan ang kanilang mga koponan sa pagbubukas ng kompetisyon.

Sa loob ng dalawampung araw ay magsasagupaan ang bawat koponan upang paglabanan ang inaasam na titulo upang tanghalin na bagong kampeon.

Mas lalong lumakas ang hiyawan sa buong gymnasium ng isa-isa ng rumampa ang labing isang magaganda at seksing kalahok ng Ms. NECSL 2015.

Ms. NECSL 2015

Sa huli ay itinanghal na 3rd runner up ang lakambini ng Good Samaritan Colleges,2ND runner up ang muse ng General De Jesus Colleges, 1ST runner up ang lakambini ng College of the Immaculate Concepcion at ang nagkamit ng titulo bilang Ms NECSL 2015 ay si Thaddymae Santos na mula sa Wesleyan University.

NECSL 2015 Dancesport

Habang, walang patid na tili at palakpak ang dumagundong nang sinimulan ng humataw ang pitong kalahok ng Dance Port, na naglaban-laban sa saliw ng tugtog ng Rumba, Cha-cha at Jive. Kung saan, nasungkit ng Wesleyan University ang titulo.

Ayon kay Yohan Ocampo, Project Director ng Sports and Youth Development Services, ginawa nilang mas maganda at kakaiba ang kompetisyon ngayong taon nang opening ng NECSL, na imbes na Cheer dancing competition ay ginawa itong Dance Port competition.

Lubos ang pasasalamat ni Ocampo, sa lahat ng eskwelahan at mga taong tumulong upang mabuo ang proyekto.

Para sa kabuuang schedule ng mga laro sa Men’s basketball at Women’s volleyball, bumisita sa www.dobolp.com. Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/KbIv9Vo1Unk]