Mula sa pag-uugnayan ng pamahalaang panlalawigan at department of agriculture ay napasinayaan na ang tinawag na agri-pinoy trading center na makikita sa caalibangbangan cabanatuan city, ito ay tulong para sa mga maliliit na magsasaka na naglalayon na kumita ng sapat mula sa kanilang sariling produkto.
Nabuo at naipatupad ang konsepto ng Agri- Pinoy Trading Center sa pangunguna ng Ama ng Lalawigan Governor Aurelio Umali sa pakikipagtulungan ni Secretary Proseso Alcala na layuning matulungan ang mga kababayan nating magsasaka.
Nagkakahalaga ng 80million pesos ang gusali at ang limampung milyon ay nagmula sa Department of Agriculture at tatlumpong milyon namn mula sa Provincial Government of Nueva Ecija.
Binubuo ng dalawang palapag ang gusali kung saan sa unang palapag ay pag-aari ng mga bawat bayan na ang mga magsasaka ay binuo bilang isang cooperatiba na siyang magsisilbing kaugnay sa pagsusuplay ng mga produkto.
Ito ay pag-aari ng mga magsasaka kung saan hahanguin sila sa kasalukuyang sistema ng pagbebenta ng kanilang produkto.
Malaking pabor ito sa ating mga magsasaka sapagkat sila mismo ang maaring magbenta at kumontrol sa presyo ng sarili nilang produkto.
Dagdag pa ni Serafin Santos na siyang Provincial agriculturist ng lalawigan na ang makikinabang ditto ay ang magsasaka, consumer at buyer sapagkat malilimitahan dito ang mga traders tulad ng ahente , finanser at sakadora.
Dalawang tanggapan na nasa ilalim ng Pamahalaan Panlalawigan ang mamahala sa gusali una ang Marketing Operation na nakatalaga sa Office of the Provincial Agriculturist at para sa Admin at Finance naman ay kinakatawan ng Provincial Trade and Industry.
Ayon naman kay Crispulo Bautista na siyang APTC Focal Person ng DA Region 3 na sa pamamagitan ng Trading Center na ito ay magkaroon ng Inter Regional Trading kung saan ang mga manggagaling sa Region II ay maaring dumaan sa Agri-Pinoy Trading Center at kumuha ng produkto ng mga Novo Ecijano na wala sa kanilang pamilihan na maari nilang ibenta.
Nagkaloob din ng mga traktora ang Ama ng lalawigan para magamit ng mga magsasaka sa kanilang mga bukid.
Ayon din sa mensahe ng gobernador na dugo, pawis at buong katauhan ang mawawala sa mga magsasaka kung ipagpapatuloy ang paggamit ng halimaw.-Ulat ni Bituin Rodgriguez