June 10, 2014 — Ipinag-utos na ni agriculture secretary proceso alcala ang pag-imbestiga sa umanoy overpricing o labis na pagtataas ng presyo ng bawat kilo ng bawang.
Sinabi pa ng kalihim na sapat ang suplay ng bawang sa bansa kung kayat walang dahilan upang tumaas ng halos tatlong daang piso ang kilo ng imported na bawang at 180 hanggang p200 piso kada kilo sa mga lokal na bawang.
Dito sa lalawigan ng nueva ecija, ilang mga tindahan na rin ang nagtaas na ng presyo ng bawang.
Nitong unang linggo ng mayo ay pumapatak lamang sa p80 hanggang p150 ang farmgate price ng bawang,ngunit ngayon ay mabibili na ito mula p100 hanggang halos p300.
Paliwanag ng da, ang mahal na bawang na ibinebenta sa mga palengke ay pawang mga imported at karamihan sa mga inaani ng mga kababayan nating magsasaka ay hindi nabibili ng mga traders kung kaya’t natetengga lamang ang mga ito sa probinsya.
Ang tindahang ito, kung dati daw ay mayroon silang imported na bawang ngayon ay wala na.
Lokal na bawang na lamang raw ang kanilang tinda bunsod na rin umano ng napakataas na presyo ng mga imported.
Umaabot sa p180 hanggang p300 kada isang kilo ang bentahan ng kanilang lokal na bawang.
Sinubukan naming kuhanan ng pahayag ang may-ari ng nasabing tindahan kung bakit naging ganitong presyo ngayon ng bawang gayong ayon sa da ay sapat ang supply nito sa bansa ngunit tumanggi itong magsalita sa harap ng aming kamera.
Samantala, umapela naman ang da sa publiko na agad isumbong sa kanilang tanggapan kung may nalalamang nagpapataw ng sobrang taas ng presyo ng bawang.