Nagkatipon-tipon sa harap ng Lumang Kapitolyo ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Nueva Ecija, iba’t ibang grupo at indibidwal upang ipagdiwang ang ika 117th Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Pinangunahan nina Doc. Anthony Umali, Provincial Administrator Alejandro Abesamis bilang kinatawan ng Ama ng Lalawigan Governor Aurelio Umali, ilang mga Municipal Mayor sa Lalawigan, at iba pang mga kilalang personalidad sa lalawigan, ang paggunita sa petsa kung kailan unang iwinagayway ang bandila ng Bansang Pilipinas.
Taun-taon pinagdiriwang ng mga Pilipino ang June 12 bilang Araw ng Kalayaan na nagpapaalala sa katapangan at kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban sa mga banyaga upang magkaroon ng sariling Republika ang Pilipinas.