Matibay na pananampalataya sa Diyos at sama-samang pagkilos ng mga supporters, kamag-anak, at iba’t ibang progresibong samahan ang itinuturing na nagligtas sa buhay ni Mary Jane Veloso mula sa nakatakda na sanang pagbitay sa kanya, kaninang alas tres ng madaling araw.
Labis ang naging katuwaan ng mga kamag-anak ni MJ partikular na ang kanyang Lola Milagros Fiesta dahil sa muling pagkaantala ng pagbitay sa kanya, dahil sa kabila ng oras na lamang ang kanilang hinihintay kanina ay dininig pa rin ang kanilang pinagsama-samang panalangin upang mailigtas ito mula sa kamatayan.
Hindi pa man isang daang porsiyentong mapapawalang sala o hindi na maparurusahan ng kamatayan si MJ, ay nagkaroon na ng kapanatagan ng loob ang kanyang pamilyang nasa Indonesia, dahil tiwala ang pamilya sa kabutihan ng mga pulis at inmates ni Mary Jane kung nasaan ito naroroon sa mga sandaling ito.
Hindi rin masukat ang kaligayahang nadama ng tiyahin ni Mary Jane na si Imelda Magday dahil sa milagrong ginawa ng diyos kay Indonesian President Widodo na nagpabago aniya sa naging pagpapasya nito sa kaso ng pamangkin.-Ulat ni Shane Tolentino
[youtube=http://youtu.be/eCx_t4mQmQU]