Dahil sa kinatatakutan ang cancer, marami ang mas pinili na maging mas maingat na sa kanilang kinakain at ginagawa. Ngunit ang Cancer ay hindi lamang nakakaapekto sa mga nakatatanda, dahil maging ang mga bata rin ay maaaring magkaroon ng sakit na ito.
Ilang mga klase ng cancer ay nakikita rin sa mga bata. Ito ang ilang mga uri ng Cancer na madalas dumadapo sa mga bata.
Una na dito ang Leukemia o Cancer of the Bone Marrow And Blood. 30 porsyento ng mga kabataang nagkakaroon ng sakit na Cancer ay nagkakaroon ng Leukemia. Ilan sa mga sintomas ng Leukemia ay ang BBone and joint pain, fatigue, weakness, pale skin, bleeding or bruising, fever, weight loss, at marami pang iba.
Ayon sa mga eksperto ay madaling magamot ang leukemia sa mga kabataan. Gayunpaman, ang early detection ang kinakailangan upang maaagang magamot ang Cancer.
Ang ilan sa mga dahilan upang magkaroon ng Leukemia sa mga kabataan ay ang namamanang immune system problem katulad ng ataxia telangiectasia, ang kapatid na babae man o lalake ay o kakambal ay may leukemia din, nagkaroon ng history ng exposure ng radiation, chemoteraphy at benzene bilang isang solvent at marami pang iba.
Habang, pangalawa naman ang Brain at Central Nervous System Tumor na may 26 na porsyento ng mga kabataang may Cancer sa mundo. Ang mga sintomas ng Brain at Central Nervous System Tumor ay ang sakit ng ulo, nausea, pagsusuka, blurred o double vision, pagkahilo, hirap sa paglalakad at paghawak sa iba’t ibang bagay at marami pang iba.
Nasa 4,000 bagong kaso ng brain tumor ang na da-diagnose kada taon sa buong mundo.
Katulad ng ibang mga uri ng cancer, early detection ang kinakailangan upang tumaas ang tsansa ng survival para sa mga kabataang positibo sa Cancer.- Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio