Walong taon pa lamang ay interesado na sa drawing at pagpipinta si Edmun Wong, at nasa high school siya nang unang sumali sa isang art contest.
Hindi niya makalimutan ang kritisismong natamo ng komposisyon niya mula sa isang guro na nagmula sa kalabang eskuwela. Ang masama kasi noon, ginawa ito ng naturang guro sa harap ng mga judges at ilan pang panauhin ng patimpalak. Nagkamit ng ikalawang puwesto ang lahok niya habang unang puwesto naman ang sa nakalabang eskuwela. Simula noon, ikinakaba na niya ang mag-display ng mga nagawa niyang artwork. Nagdulot din ito ng matinding depresyon kay Edmun.
Pinagpatuloy niya ang pag-aaral ng Fine Arts, Major in Industrial Design sa University of Santo Tomas (UST) kung saan siya nagpakadalubhasa ngunit di niya kinaligtaan ang pagpipinta. Naging matagumpay mang industrial designer at negosyante si Edmun, hinanap pa rin ng mga kamay niya ang paglilikha ng mga imaheng bunga ng kanyang imahinasyon. Naging inspirasyon niya ang mga likha ni Monet, na tinalagang Father of Impressionism.
Noong 2012, naimbitahan siya ng dating kasamahan sa UST sa isang painting exhibiting upang magsama ng ilan sa kanyang mga ginawang obra bilang alumnus ng UST. Nagbalik sa ala-ala niya ang dating karanasan nang una siyang sumali sa painting contest noong kanyang kabataan.
Nagdadalawang-isip man, napagpasyahan niyang pumayag nang isali ang dalawa sa mga nagawa niyang impressionist paintings. Nagulat siya nang ibalitang may gustong bumili ng mga ito na kanya namang pinaunlakan. Simula noon ay tila nanumbalik ang lakas ng kanyang loob niya na muling balikan ang pagpipinta. Isang studio ang inilaan niya mula sa isang bahagi ng kanyang bahay para sa pagbubuo ng mga obrang mula sa mundo ng abstract impressionism.
“Sa abstract impressionism kasi, malaya kang nakakapag-isip ng kakaibang interpretasyon ng mga bagay sa paligid mo. Tulad ng makulay na tubig na tila bumubulwak mula sa isang bulkang nag-aapoy naman ang loob,” paliwanag ni Edmun.
“Mixed media rin ang nakahiligan ko kasi nagdadagdag ito ng depth at dynamism sa isang oil-rendered na abstract painting bukod sa 3D effect nito,” pagtatapos niya.
Edmond is a cousin on the maternal side. I didn’t know that he’s an artist! But it isn’t really surprising because Uncle John Wong, a former La Sallite brother, who settled in Los Angeles, Californoa, USA, used to send me superb “haikus” through email when he was still around. I myself is some sort of an artist, in my own little way. There is something in our blood, cousin.