SENSITIBONG BALITA
SNATCHER SA CABANATUAN CITY, KULONG
Sinampahan ng kasong theft o pagnanakaw ang isang snatcher na nambiktima ng isang estudyante sa Cabanatuan City noong November 27, 2022.
Ang biktima ay isang 20 year-old na babae, habang ang mga suspek ay riding-in-tandem sa isang Kawasaki motorized tricycle.
Base sa report ng kapulisan, bandang alas otso ng gabi naglalakad ang biktima sa Del Pilar St. sa may Freedom Park pauwi galing sa pagsisimba nang bigla na lang hablutin ng isa sa mga suspek ang kanyang cellphone at leather wallet na naglalaman ng Php5, 000.00 cash at mga ID.
Kaagad namang tinugis ng Mobile Patrol ng Cabanatuan ang mga suspek sa tulong ng BPAT members ng barangay Nabao na nagresulta sa pagkakaaresto ng isa sa mga suspek.
Kaugnay nito ay umaapela si PCOL RICHARD V CABALLERO, Officer-in-Charge, Nueva Ecija Police sa publiko na palaging mag-ingat para hindi mabiktima ng naglipanang masasamang loob upang matiyak ang Ligtas Paskuhan 2022 bilang tugon sa direktiba ni Regional Director.