3 TAONG GULANG NA BATANG LALAKE, PINAKA BATANG ORGAN DONOR SA PILIPINAS

Inilarawan bilang isang napaka batang bayani, ganito inaalala ngayon si Ezra Jacob Rosario, tatlong taong gulang, ang pinaka batang organ donor ng Pilipinas.

Dinonate ng kanyang mga magulang ang kanyang mga organ at tissues matapos na ideklarang brain dead ito sa pangalawang pagkakataon.

Naka base sa Estados Unidos sina Ezra at umuwi sa Pilipinas upang mag bakasyon at mag swimming upang ipagdiwang ang kaarawan nilang kambal na magkapatid noong Nov. 6.

Sa kasamaang palad ay nalunod si Ezra matapos na tumalon ito sa malalim na parte ng pool.

Nasugod pa sa ospital si Ezra ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Kaya naman nag desisyon ang kanyang magulang na si Jennae at Julius Rosario na i-donate ang organs nito.

Pahayag ni Jennae, nanay ni Ezra , isang malaking karangalan na magkaroon ng anak na isang bayani.