Inaanyayahan ni Cabanatuan City Election Officer Leylann Generoso Manuel ang bawat Cabanatueno na pumunta sa kanilang tanggapan upang mag-parehistro at huwag nang hantayin ang isang linggo bago matapos ang rehistruhan dahil dagsa na ang mga mag-paparehistro.
Bukas naman aniya ang Comelec Cabanatuan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, maliban lang sa September 30 huling araw ng rehistruhan na magsasara ng alas tres ng hapon.
Maaaring magparehistro para sa SK Election ang mga may edad kinse hanggang trenta anyos.
Habang eigthteen years old pataas naman ang pwedeng bumoto para sa SK at maging sa Barangay Officials.

Para sa mga nais mag-parehistro, magdala ng valid id, sss, tin number school id o company ID.
Kapag nagparehistro magdala ng valid ID, kagaya ng SSS, TIN number, School ID o maging Company ID.
Noong nakaraang Local at National Election umano ay mahigit dalawandaang libo ang registered voters sa Cabanatuan.
Inaasahan naman na aabot sa sampunglibong Cabanatueño ang madadagdag na botante.
Sa lahat naman ng nais magpa-transfer, magdala lamang ng katibayan ng inyong bagong tirahan o proof of residency, valid ID kung may nakalagay nang bago ninyong adress na tinitirhan at kung wala naman ay magbitbit ng bill ng kuryente o tubig katibayan na nakatira kayo sa pag-lilipatan ninyong barangay.
Bukod sa pwede nang magpa-transfer magkakaroon na din ng pagkakataon ang mga botante na may mali sa spelling ng pangalan o birthdate na itama ito.
Maging sa mga hindi nakaboto ng dalawang beses o dalawang taon na hindi nakapag-biometrics ay pwede nyo nang ipa-activate sa Comelec ang inyong records.
Magkakaroon naman ng Satelite Registration sa ibat-ibang Barangay at maging sa mga mall at paaralan. -ulat ni Myrrh Guevarra