MANILA, Philippines — Kinundena ng ilang kabataan ang UNIFAST Board, na pinamumunuan ng Commission on Higher Education, sa pagpayag nitong magpataw ng mga karagdagang singilin sa eskwela.
Naglabas kasi ng memo ang CHED tungkol sa 141 “disallowed fees” na hindi sakop ng libreng tuition fee sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo, sabi ng Kabataan party-list.
“This is contrary to the spirit of the law and the aspiration of millions of Filipino youth and students who campaigned and fought for their right to free education,” sabi ni Kabataan Rep. Sarah Elago.