Magsisimula ngayong araw ang kautusan ni Russian President Vladimir Putin na paglalaan ng limang oras kada araw ng pagtigil ng pagbomba sa Syria para makalabas ang mga sibilyan.

Ayon sa Russian Defense Ministry, magtatayo umano ang Russia ng “humanitarian corridor” kung saan makikipagtulungan ang Syrian Red Crescent. Sa pamamagitan nito ay magpapakalat sila ng leaflet at makakatanggap ng mga text messages ang mga sibilyan kung paano sila ligtas na makakalabas.

SOURCE: http://www.bomboradyo.com/russia-maglalaan-ng-oras-para-makalabas-ang-mga-sibilyan-na-naiipit-sa-syria/