Isa sa pinaka kilala at kinatatakutang virus na hindi nawawala sa watch list ng buong mundo na walang awang pumapatay sa ibat ibang parte ng mundo,Pinangingilagan at binabantayan yan ang killer virus break bone fever o mas kilala bilang dengue virus.
Ang dengue ang isa sa uri ng virus na nakukuha sa mga lamok, ang virus na dala nito ay naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Humahalo ang virus nito sa blood stream at dito na nag sisimula ang pag kalat nito sa katawan ng tao.
Ang malalang kaso ng dengue ay fever ay lumabas noong taong 1960 at simula noon ang pag babantay sa mga kaso ng dengue ay mahigpit nang ipinatupad. Noong taong 1960 ay umaabot sa limampung milyon ang kaso ng dengue ang naitala sa loob ng isang taon. Ngayon ay umaabot na sa limang daan at dalawangmpu’t walong milyon ang naiitatalang kaso ng dengue sa buong mundo kada taon.
Ang limang uri ng dengue ang patuloy na kumakalat sa buong mundo. Pangunahing nag dadala ng dengue ang Aedes Aegypti na uri ng lamok na matatagpuan sa iba’t ibang parte ng mundo. Sa loob ng ilang dekada ay hindi pa rin na kokontrol ang dengue at patuloy pa rin ang mga kaso nito sa ibat ibang parte ng mundo.
Ang mga lamok na nag dadala ng sakit na dengue ay na ngingitlog sa mga malilinis ay hindi umaagos na tubig. Katulad ng tubig sa vase, gulong, mga lalagyan at plastic bottles. Sa umaga at gabi nangangagat ang mga lamok na nag dadala ng sakit na dengue. Kaya naman ang mga eskwelahan ang isa sa mga lugar kung saan maaaring makuha ang dengue virus.
Isang kagat lamang ng lamok ang kinakailangan upang kumalat na ang sakit na ito sa katawan ng taong makakagat ng lamok na may dengue. Dahil walang epekto ang dengue virus sa mga lamok ay nagkakaroon ito ng kakayahang ipasa ang dengue virus sa mga itlog nito. At sa ganitong paraan ay kumakalat ang sakit na dengue sa isang lugar.
Mabilis at nakamamatay ang sakit na dengue at sa kasamaang palad ilang dekada man ang makaraan matapos ma diskubre ang sakit na ito ay wala pa ring lunas at gamot na maaaring makapag pa wala ng dengue virus sa katawan ng isang taong infected nito.
Maaari rin itong makuha sa organ donation at blood transfusion o pag dodonate ng dugo . Delikado ang dengue virus at mas mataas ang tsansa ng kamatayan ng taong dadapuan nito kung sya ay may chronic disease katulad ng asthma at diabetes.
Ang mga unang sintomas ng dengue ay taas babang temperatura ng lagnat, pananakit ng ulo, rashes sa likod at braso, pag laki ng atay, pag susuka,pananakit ng tyan hanggang isang linggo ng pag kakaroon ng paunang sintomas ng dengue ay mabilis na itong lumalala.
Sa ibang mga kaso ng kamatayan dahil sa dengue ay napagkakamalang lagnat lamang ito na mawawala rin kaya naman madami ang namamatay dito dahil sa loob lamang ng limang araw hanggang isang linggo lamang ang pagitan bago magpakita ng mas malalang sintomas ng dengue.
Kapag napabayaan sa loob lamang ng limang araw hanggang isang linggo ay dito na pinaka delikado ang pasyenteng dinapuan ng dengue kung saan marami dito ang hindi na nakaka ligtas dito na bumababa ang platelet count at white blood cell sa dugo ng pasyente nagkakaroon ng hirap sa pag hinga, pag taas at pag baba ng blood pressure at pag durugo sa ibat ibang parte ng katawan
Maliit man ang mortality rate o tsansa ng kamatayan dahil sa dengue ay hindi pa rin dapat ito binabalewala.
Sa ngayon ay umaabot na sa 2.5 bilyong katao ang nagkakaroon ng sakit na dengue ayon sa Center for Disease and Control Management at noon lamang 2013 mula January 2013 lamang hanggang June 2013 ay umaabot na sa 42,207 ang dinapuan ng dengue sa ating bansa sa loob lamang ng anim na buwan 193 na sa dinapuan ng sakit na ito ang hindi na nakaligtas sa bangis ng dengue.
Kaya naman patuloy ang paggawa ng iba’t ibang paraan upang maiwasan at maalis na ang dengue sa buong bansa upang maging dengue free na ang bansang Pilipinas .
Dito sa lalawigan ng Nueva Ecija hindi humihinto ang provincial government sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali sa pag puksa sa mga maaaring pamugaran ng dengue. Isang hakbang na naging epektibo sa pagtutulungan ng iba’t ibang munisipalidad at lungsod. Sa ngayon sa buong lalalawigan ng Nueva Ecija ay sa Cabanatuan city pa rin naitala ang may pinaka mataas na kaso ng dengue na umabot sa 280 katao. Dalawa na ang hindi naka ligtas sa dengue virus ngayong taon. Iba’t iba ring paraan ang isinasagawa ng Provincial Health Office upang matulungan at mapangalagaan ang mga mamamayan ng Nueva Ecija mula sa dengue, sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag baba ng kaso ng dengue sa buong lalawigan.
Wala mang vaccine ang dengue ay maaari itong ma iwasan gamit ang mga simpleng paraan. Pag lilinis sa kapaligiran at pag tatanggal sa mga tubig na maaaring pamahayan ng dengue ugaliin ding gumamit ng mosquito repellant lalo na sa mga estudyante kung saan maaaring makuha ang dengue sa mga eskwelahan. Bukas ating tatalakayin ang isa sa pinaka kilala at kinatatakutan ng buong mundo. Ang virus na nakakahawa, nakamamatay at walang lunas. Ang AIDS virus bukas yan sa ating unang sigaw killer virus