Tinalakay ang ilang mga suliranin pagdating sa kapayapaan at kaayusan ng buong Region 3 sa naganap na  Regional Peace and Order Council (RPOC)  Meeting  sa Widus Hotel, Clarkfield Pampanga kamakailan.

Sa unang pagkakataon ang pagpupulong ng RPOC ay nagkaroon na ng mamumuno o Chairman of RPOC Region 3 sa katauhan ng ama ng lalawigan ng Nueva Ecija Governor Aurelio “Oyie” Umali.

Dumalo din si Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director Florida Dijan at ang iba pang mga Governors na sina Governor Gerardo Noveras ng Aurora, Governor Wilhelmino Sy-Alvarado ng Bulacan, Governor Lilia Pineda ng Pampanga, Governor Hermones Ebdane, Jr. ng Zambales at ilan pang mga ahensya ng gobyerno.

Ang sentro ng pagpupulong ay ang usapin ng kalagayan ng buong Region 3 pagdating sa Peace and Order  na pinangunahan ng Philippine Army ang presentasyon ng lagay ng situation pagdating sa terorismo, Philippine National Police pagdating sa patuktutok sa lagay ng  krimen, o Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA ) pagdating sa pagpuksa sa patuloy na pagkalat ng droga at  Office of the Presidential Adviser On the Peace Process (OPAPP) na tinalakay ang Comprehensive Local Integration Program.

Binuo din sa nasabing pagpupulong ang tatlong lupon ng Peace and Order, una ay ang Committee on anti-Criminality na pamumunuan ni Governor Hermones Ebdane, JR. pangalawa Committee on Internal Peace and Security na pamumunuan ni Governor Gerardo Noveras at panghuli ang Committee on anti-Dangerous Drugs na pamumunuan ni Governor Lilia Pineda.

Samantala, naganap din ang Awarding of  Lupong Tigapamayapa Incentives (LTIA) Regional Winners kung saan nakamit ng South West Nampicuan, Nueva Ecija ang 2nd Runner-Up pagdating sa 4th to 6th  Class Municipality Category at 1st Runner-Up ang Bantug Science City of Muñoz, Nueva Ecija pagdating sa Componets Cities Category. –Ulat ni Joyce Fuentes