Sa 3rd Game 3 ng Day 1, tinambakan ng 17 puntos ng Lacson Golden Lions ang ABE Wolves sa score na 92/75. Sa 1st quarter, matindi ang energy na ibinigay ng Golden Lions sa koponan ng Wolves. Ngunit, hindi naman bumibitaw sa pagdepensa ang mga Abenista sa Lacsonians kaya sa pagtatapos ng 1st quarter, 10 puntos ang naging kalamangan ng Golden Lions.

Pagdating ng 2nd quarter, umakyat sa 13 puntos ang kalamangan ng Golden Lions. Sa quarter ding ito nag-init ang big man ng Golden Lions na si Nolasco Jesey Number 13 sa paggawa ng puntos.

Pinalawig pa ng Golden Lions ang lamang nito sa 17 puntos pagtuntong ng third quarter. Hindi na pinabawi pa ng Golden Lions ang Wolves sa 4th quarter kung saan nagtapos sa 92-75 ang score.

Naging Best Player of the Game si Mark Anthony Madrilejos na may 20 points, 4 rebounds, 3 assists at 1 steal.

Ulat ni Shane Tolentino