Pinukpukan na sa Ika-Limampung Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang Annual Investment Plan (AIP) para sa taong 2018.

Ngunit, bago ito ipasa ay nagpahayag ng reserbasyon si VM Anthony Umali.

Isa-isang binanggit ng Presiding Officer, ang kanyang alinlangan sa pagpasa ng AIP.

Una, ang hindi pag-alis ng panukalang Public and Private Partnership (PPP) na planong ipatupad sa Supermarket at Sangitan Market na sigurado aniyang papatay sa maliliit na negosyante ng Lungsod.

Pangalawa, hindi aniya naka breakdown ang halaga ng ilan sa mga panukalang programa na nakalista sa AIP.

At pangatlo, hindi nakasulat sa minutes of the meeting ng CDC o City Development Council ang detalye sa 20% development fund.

Ayon sa Bise Alkalde, ang kaniyang pagpapahayag ng “with reservations” ay nangangaluhugan nang hindi niya pag sang-ayon sa mga nakita niyang iregularidad sa ilang araw na deliberasyon ng AIP.

Samantala, isinalang na kahapon Dec. 12 ang annual budget ng Lungsod para sa susunod na taon. –Ulat ni Danira Gabriel

https://youtu.be/JuTDh1ZNH14