Sinalubong ng higit isang libong mamamayan ng Jaen ang ginanap na Malasakit Service Caravan Project ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Jaen.
Ayon sa Alkalde ng Bayan ng Jaen na si Mayor Sylvia C. Austria lalong natuwa at nagalak ang mamayan ng Jaen ng biglaang personal na dumalaw ang Ama at Ina ng lalawigan ng Nueva Ecija na sina Gov. Czarina ‘Cherry’ Umali at Former Gov. Oyie Matias Umali.
Dagdag pa ng Alkalde, sa proper coordination ng kanyang nasasakupan ay naging posible ang pagdagsa ng mga benepisaryo. Hindi rin pinalagpas ng alkalde ang pagkakataong makapagpasalamat sa ama at ina ng lalawigan.
Ang programang Malasakit Service Caravan ay inumpisahan ni Governor Oyie Matias Umali, at pinagpatuloy naman ni Gov. Cherry Umali na may layuning maipaabot, mailapit at maibaba ang mga serbisyo lalo higit sa mga malalayong bayan ng lalawigan.
Ang programang ito ay mayroong medical and dental mission, flu vacccines para sa mga senior citizens.
Seminars and trainings para sa pag aagrikultura at hanap buhay gaya ng paggawa ng sabon, tinapay at dishwashing liquid.
Mayroon ding abogado para sa may mga legal concerns , taga PCDO at iba ibang kooperatiba. Kasama din ang PMTC kung saan may libreng serbisyo gaya ng manicure, pedicure, massage at pagrerepair ng mga appliances and tune up ng mga motorsiklo.
Hindi rin nagpahuli ang mobile kitchen na naghain ng mainit na sopas at juice para sa mga mamamayan. Nagbigay din ng maagang pamasko ang ina ng lalawigan para sa bayan ng Jaen na gift packs.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran