GYMNASIUM NA IPINAGKALOOB NG KAPITOLYO, GINAWANG CLASSROOM SA CURVA ELEMENTARY SCHOOL
Nagsilbing classroom ng mga estudyante at guro sa Curva Elementary School ang ipinagkaloob na multipurpose facility ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng Cuyapo.
Ayon kay Gng. Filosita Abedoza, Master Teacher II, maraming silid-aralan ang nasira sa paaralan kaya malaking pakinabang ang gymnasium para sa pag-aaral ng mga bata.
Taong 2021 nang ibigay ng kapitolyo ang naturang pasilidad na kahilingan ni Kapitan Michelle Almazan.
Inuna nitong hilingin ang pangangailangan sa nasabing eskwelahan kaysa sa pagtatayo ng gym sa kanilang barangay.
Muling binigyan ng katuparan nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali ang pagkakaroon ng isa pang bagong multipurpose facility ng Brgy. Curva nito lamang taong 2022.
Nagagamit naman ang pangalawang gym na ito ng mga sangguniang kabataan sa tuwing may mga paliga sa komunidad.
Aniya, hinihiram din ito ng mga kalapit barangay upang pagdausan ng iba’t ibang aktibidad o okasyon sa kanilang lugar.
Ikinatuwa naman ito ng mga residente ng Curva pati na rin ng lahat ng gumagamit ng gymnasium dahil hindi na nila nararanasan pang magtayo ng canopy o tent sa barangay kaya laking pasasalamat din nila kina Gov. Oyie at Vice Gov. Doc Anthony.