MAGSASAKA SA UGANDA, MAY 10 ASAWA, 98 NA ANAK, 568 NA APO, NARARANASAN ANG HIRAP SA PAGKAIN

Nakakaranas ng kahirapan sa pagkain ang isang magsasaka sa Uganda na may 10 asawa, 98 na anak at 568 na apo dahil sa laki ng kanilang pamilya.

Eka nga sa bibliya humayo kayo at magpakarami at kalatan ang mundo na ginawa namang literal ng magsasakang ito sa Uganda.

Siya si Mussa Hassadji, 67-anyos mula Lusaka, Uganda. Ito ay isa sa mga bansa sa mundo na kung saan legal sa kanilang batas ang polygamy o pagkakaroon ng maraming asawa.

Kaya umano nagpakarami si Hassadji dahil dalawa lamang silang magkakapatid, ang kanyang pinakamatandang anak ay nasa 51 anyos at ang pinaka bunso ay nasa anim na taong gulang pa lamang, ang kanyang 10 asawa ay kasama niya sa iisang bahay samantalatang ang kanyang mga anak ay nakatira sa kanilang bakuran..

Ipinagmalaki ni Hassadji na kahit 102 ang kanyang mga anak, kaya niyang pangalanan isa-isa ang lahat ng mga ito nang hindi nalilito.

Ngunit pagdating na sa kanyang 568 na mga apo, hirap na siyang kilalanin ang lahat ng mga ito dahil sa sobrang dami.

Dahil sa inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa kanilang bansa, napilitan na si Mussa na hilingin sa kanyang mga asawa na uminom ng contraceptive sapagkat ‘di na umano niya kakayanin pang buhayin sila kung madadagdagan pa.

Agad namang sumang-ayon ang mga asawa ni Hassadji sa utos nito. Isa na rito ang pinakabatang asawa ni Hassadji na si Zulaika na 31-anyos. Ayon dito, sapat na ang 11 anak niya kay Hassadji dahil mahihirapan na sila kung magbubuntis pa siya ng ika-12 anak.

Ngayon ay kumakatok si Mussa sa kanilang gobyerno upang makahingi ng Financial Assistance sapagkat bukod sa problemang pang pagkain ay suliranin din niya ang pangtutustos sa pag-aaral ng mga ito.

Ayon kay Hassadji, patuloy ang pagtaas ng mga bilihin samantalang paliit nang paliit ang kinikita niya sa pagsasaka.

Sabi ni Hassadji, bumaba ang kanyang kita habang patuloy sa paglobo ang kanyang pamilya.

Siya ang nagtutustos sa kanyang pamilya sapagkat lahat ng kanyang asawa ay nakatira sa iisang bahay upang maiwasan umano na magkaroon ng kabit ang mga ito sa ibang lalaki sa kanilang lugar.

Dahil sa inflation na nararanasan sa buong mundo, nirerekomenda ni Hassadji sa kanyang mga adult na anak na huwag siyang tularan at matuto nang gumamit ng contraceptives.