SENSITIBONG BALITA
HIGIT PHP200K NA HALAGA NG DROGA, NASAMSAM NG KAPULISAN SA CABANATUAN CITY
Nagresulta sa pagsamsam ng mahigit Php200,000 na halaga ng illegal na droga at pagkakaaresto sa tatlong suspek ang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Cabanatuan City noong January 11, 2023.
Nagsanib pwersa ang Cabanatuan Police Station, Regional and Provincial Intervention Unit ng Nueva Ecija Police (RIU3-PIT Nueva Ecija, and PIU / PPDEU NEPPO) na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa isinasagawang operation sa Barangay Daan Sarile at Villa Benita Subd., Barangay H. Concepcion,
Alas kwatro ng madaling araw nahuli ang suspek na si DANIEL PUYAT y Carpio, 48 years old, married, painter, at residente ng Brgy Cruz Roja, Cabanatuan City.
Humigit-kumulang 15 grams umano ang kabuuang nakumpiskang hinihinalang shabu mula sa kanya na may tinatayang halagang Php102,000.00.
Samantala, alas dyes naman ng umaga nadakip sa Villa Benita ang mga suspek na sina JOSEPH QUEJADA y Dela Cruz na target ng buy-bust operation, edad kwarenta, binata, jobless ng Brgy. Cruz Roja; at FRANCIS GARCIA y San Juan, bente nueve anyos, security guard, at residente ng Brgy. San Roque Norte, Cabanatuan City.
Umaabot naman umano sa 16.5 grams ang nakuhang pinagsususpetsahang shabu galling sa dalawang suspek na may estimated value na Php112,200.00.