MOTOR PA MORE! DAAN-DAANG MOTORISTA, NAMAMATAY KADA TAON SA NUEVA ECIJA

Isa sa pangunahing mabilis na transportasyon ngayon sa Pilipinas ay ang motorsiklo dahil sa sobrang traffic lalo na sa EDSA o kahit saan kaya halos kalimitan sa mga nagtatrabaho ay mas pinili na lamang ang mag-motorsiklo.

Pangunahing dahilan ay para mas matipid sa gasolina at makaiwas sa matinding traffic ,napaka delikado ang pagmomotorsiklo pero epektibong sasakyan upang makaiwas sa napakabagal na daloy ng trapiko sa iba’t ibang kalsada saan mang parte ng bansa.

Subalit ang pagtaas sa bilang ng kinasasangkutan ng motorsiklo sa kalsada ay lubhang nakakabahala.

Ang mga aksidenteng ito ay kadalasang nagdudulot ng malalang pinsala o pagkamatay kaya dapat seryosohin ng mga motorcycle riders ang pagmamaneho.

Ayon sa datos ng Nueva Ecija Police at Highway Patrol Group, noong taong 2021 umabot sa 4,000 ang vehicular accidents kung saan umabot sa mahigit 80 rito ang involved sa alak.

Samantalang noong nakaraang taon bumaba ito sa mahigit 3,900 pero tumaas sa 102 ang may kinalaman sa nakainom ng alak at may nagbuwis pa ng buhay at nasira ang ari-arian nasira bunsod ng mga sakuna sa lansangan.

Paalala sa mga rider ng motorsiklo mag-ingat at always practice defensive driving.

Narito ang ilang tips kung paano nga ba maiiwasan ang aksidente sa pagmomotor.

  1. Bago sumakay ng motor siguraduhing maayos ang maintenance at monitoring ng iyong motor ,Ang Preno,mga gulong nito
  2. Gumamit ng helmet na na-meet ang standard ng Department of Transportation at gumamit ng protective gear sa pagmamaneho gaya ng riding jacket at gloves.
  3. Siguraduhing my license to drive dahil kalimitan sa mga nasasangkot sa aksidente sa motorsiklo ay walang lisensya sa pagmamaneho
  4. Huwag na huwag magmaneho ng nakainom o lasing dahil kalimitan sa mga driver na nakainom ay lumalakas ang loob na magmaneho, Kapag lasing o nasa impluwensiya ng alak ay maaaring Hindi makontrol ang sarili at ang bilis ng motor dahilan para ikaw ay mawalan ng focus sa pagmamaneho

Alam niyo ba na may batas na ang LTO na kapag ka ikaw ay nahuli ng nakainom ito ay may kaukulang pagkarevoke ng iyong lisensiya o pagkatanggal ng pribilehiyo na ikaw ay makapag maneho sa daan

  1. Iwasan ang pagiging Kamote riders, ibig sabihin walang pakialam sa pagpapatakbo ng motorsiklo sa kalsada ibig sabihin walang disiplina.