15 BARIL, ISINURENDER SA KAPULISAN NG NUEVA ECIJA SA LOOB NG ISANG ARAW
Kaugnay ng patuloy na pagpapatupad ng Balik-Baril Program ng Philippine National Police ay labin-limang loose firearms ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operation sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija noong December 14, 2022.
Karamihan sa mga baril na isinurender sa mga istasyon ng pulisya ng mga bayan ng Talugtug, Talavera, Cuyapo, Pantabangan, Gen Tinio, Laur, Sta. Rosa, Gabaldon, Nampicuan, Bongabon, Llanera, Zaragoza, Cabiao, Carranglan, Muñoz City ay mga homemade na caliber .22 pistol, cal. 38 revolver, shotgun at paltik.
Inihayag ni PCOL Richard Caballero, ng Nueva Ecija Police na ang mga accomplishment na ito ay malinaw na indikasyon ng kanilang commitment na puksain ang kriminalidad alinsunod sa direktiba ni Acting Regional Director PBGEN CESAR R PASIWEN