Ibinahagi ng mga researcher mula sa CLSU – SRC o Small Ruminant Center sa mga magsasaka sa Bongabon noong nakaraang Huwebes, March 7, 2019 ang forage production o pagpaparami ng mga halamang legumbre bilang pagkain ng mga alagang kambing.
Imbak na pagkain para sa mga kahayupan sa panahon ng tag-araw at pagsusuplay ng halamang legumbre sa mga gumagawa ng pellets para sa mas malusog na mga alagang hayop…ilan lamang iyan sa mga posibleng pagkakitaan ng isang magsasaka sa pamamagitan ng forage production.
Ang forage production ay ang pagpapadami sa mga halamang legumbre tulad ng ipil-ipil, indigofera, rensonii at marami pang iba bilang pampakain sa mga alagang hayop lalo na ang mga kambing.
Ayon kay Dr. Edgar Orden, Project Leader ng naturang proyekto, ang pagpapakain sa mga alagang kambing ay dapat husto kaya mahalaga na may imbak o naka-reserbang pagkain lalo sa panahon ng tag-araw para maiwasan ang pamamayat at pagkonti ng produksyon nito.
Bukod sa dagdag sustansyang maidudulot sa mga kambing ay maaari ding pagkakitaan ang pagbebenta ng binhi o di kaya ay ang pagsusuplay ng materyales para sa pellet production na magmumula sa iba’t ibang uri ng legumbre.
Ikinatuwa naman ito ng mga magsasaka na aming nakapanayam dahil nadagdagan aniya ang kanilang kaalaman kung paano mas mapapaganda ang kanilang pag-aalaga sa mga kambing at nabigyan din sila ng ideya para sa isang alternatibong hanapbuhay.
Samantala, ayon naman sa Municipal Agriculturist ng Bongabon na si Jackilou Gallarde, mag i-schedule sila ng training sa mga magsasaka sa kanilang bayan para mas maunawaan ng mga ito ang dapat gawin para sa forage production at ang tamang pag-aalaga ng mga kahayupan para sa mas magandang kita.
Ang